Try talking shits.

Saturday, June 25, 2011

First Day High Story #1

Ngayon ko na lang masisimulan ito dahil ngayon ko lang naupdate ang aking Blogger.


First day ko yun sa High School, wala akong kilala ni isa. Kaya nilapitan ko yung babaeng nakaupo dun sa dulo, akala ko si Joycel yun, yun pala ang pangalan niya ay Shane. Isa siyang bagong lipat doon sa school namin. Si Shane ay mabait, maliit, matalino, at kilala na kaagad sa school dahil may kapatid siya na 3rd year highschool sa Bataan Montessori. Siya ang unang nakasama ko sa Snacks Time & Lunch Time. Pero biglang nagbago lahat ng iyon nung binigay na ang "seat plan" namin. Si Shane ay nasa left side ng classroom habang ako naman ay nasa right side. Ang aking mga katabi ay mga lalaki na ang mga pangalan ay "Venrick" at "Kenneth". Si Venrick sa right side at si Kenneth sa left side. Tama ka, nasa gitna ako.

Lunch na namin nun ng sumama ako kay Chereen para kumain na. Pagkatapos namin kumain, napatingin ako sa lalaki sa aking kaliwa, si Kenneth. Ang una kong napansin sa kanya ay yung kanyang mga mata. Brown ang kulay ng kanyang mga mata. Mabait si Kenneth, pogi, matalino, naka-braces, at higit sa lahat, patawa. Ang naaalala ko sa first day namin, absent si Jancie. 3 or 4 days yata siyang absent dahil daw nasa ospital siya. Una ko siyang nakita nung pagkapasok ko sa classroom namin. Ang una ko talagang crush ay si Noaveed. Ewan ko kung bakit ko siya naging crush pero akala ko talaga mabait siya, pero "snob" naman pala.

Kahapon, nagusap kami ni Hannah at ito ang pinagusapan namin:

Ako: Hannah, tanungin mo naman si Kenneth kung sino crush niya.
Hannah: Sige, sige.
Ako: Pilitin mo ha?
Hannah: Okay. :)


After 5 minutes, may tinag si Hannah na picture sakin. Ang nakalagay dun, "Si Angela." Pagkakita ko ng picture na 'yon ngayong umaga, ang saya saya 'ko. Ang picture na 'yon ang bumuo ng araw ko. Ang saya ko kasi yung crush ko, crush din ako. Teka, may nagkaka-crush sakin? Ang lalakas ng trip eh. HAHA. Si Jancie din, ang sabi niya, "Eh paano kung ikaw yung crush ko?" Ang weird lang talaga nila. :P

-- End --

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home